HELLO KABAYAN!!!



Ako si Aries. Isang karaniwang pinoy na katulad ninyo ay maraming mga pangarap na gusto abutin.

Dahil siguro sa mga pangarap na ito kaya dinala ako ng aking mga paa sa ibang bansa upang mag-hanapbuhay.

Opo. Isa ako sa milyong-milyong Pilipino na tinaguriang mga OFWs o mga “bagong bayani” daw. Malamang, marami sa inyo ay nangangarap din makahanap ng ikabubuhay sa labas ng ating bansa pero marami din sa amin na nasa ibang bansa ang nagnanais na makauwi at manatili na lang din sa Pilipinas kung may sapat nga lang pera at ikabubuhay. Bakit? Kasi, bagama’t mas progresibo ang mga bansa  kung saan nagta-trabaho kaming mga OFWs, iba pa rin ang saya na mararanasan mo lang sa sarili mong bayan.

Hindi naman naiiba ang buhay ng isang OFW na gaya ko sa buhay ng ordinaryong manggagawang pinoy na nasa Pinas. Minsan mahirap, minsan magaan. May panahon na umaapaw ang suwerte sa ‘yo, may panahon na sakto lang at may panahon na kinakapos ang swerte mo. Pero anumang panahon at nasaan man tayo, likas sa ating mga Pilipino ang pagiging masayahin. Ito ang isang katangian na talagang makikita mo sa mga kababayan natin at talagang hinahangaan sa atin ng mga dayuhan.


Salamat at naisipan mo basahin ang BLOG ko. Samahan mo ako at sabay nating unawain, pag-usapan at i-experience ang iba’t-ibang aspeto ng buhay na nagbibigay ng samut-saring kulay sa bawat araw ng isang simpleng pinoy!

No comments:

Post a Comment