| ang tinatawag na sword arc na matatagpuan sa Doha |
Hindi mo matatagalan ang paglalakad sa tanghali. Mabuti na lang at karamihan sa mga tao dito ay may mga sariling sasakyan at ang mga bahay at gusali ay normal na ang may sariling aircon. Subalit kung nagkataon na ang aircon ninyo ay sira habang panahon ng tag-init, matinding parusa ang mararanasan mo. Hindi ka makakatulog ng maayos dahil maski nasa loob ng bahay ay tagaktak ang pawis mo.
Kung nais mo naman magpapayat, magandang panahon ito. Puwede kang mag-jogging sa hapon at gabi kung kalian wala nang sikat ng araw. Ganun pa rin naman halos ang temperatura. Mainit pa rin at tiyak na pagpapawisan ka ng husto. Ibig sabihin eh bawas taba – bawa timbang. Hehehe.
'Pag ganitong panahon ng summer, maaalala mo ang Pilipinas na kung saan marami kang makikita sa kapitbahayanan na nagbebenta ng mga samalamig, halo-halo, saging con hielo, ice buko at kung ano-ano pang pampawid ng init. Kadalasan nga kasama mo pa ang pamilya o mga kaibigan mo sa paglasap ng mga pagkaing ito. At kasabay nito ang mahahabang kuwentuhan at malalakas na tawanan.
![]() |
| ang lungsod ng Maynila ay karaniwang binabaha pag panahon ng mga bagyo. |
Siyempre makikita mo na naman ang mga bumabahang kalye, ang mga payong na may iba't-ibang kulay at laki, at ang mga bata na naliligo sa ulan. Sa kasalukuyan, maraming ginagawang kalsada sa kamaynilaan. Para daw ito mabawasan ang sobrang pagbaha sa lungsod.
Marami ka talagang magiging reklamo o puwedeng ipintas sa Pilipinas. Pero alam mo ba na nakaka-miss din pala ang mga bagay na kinabubuwisitan mo? Tulad ng pag-ulan. Pag umuulan, minsan wala kayo pasok at masarap kumain ng bagong lutong sinangag na may kasamang tuyo, kamatis at itlog. Ang sarap din maranasan uli na pwde kang maligo sa ulan sa gitna ng kalsada na parang walang problema. Nakakatawa din balikan yun mga panahon na lumusong kayo sa baha ng mga kaibigan ninyo dahil wala kayon choice, at kinabukasan ay napagkukuwentuhan ninyo pa at nagagawang biro ang mga pangyayari.
Weird no? Pero totoo.

No comments:
Post a Comment