Sunday, May 31, 2015

RELAX RELAX DIN 'PAG MAY TIME

ang red wine na pinagsaluhan
 naming mga bagong makakaibigan.
Kung ang weekend sa Pinas ay Sabado at Linggo; Biyernes at Sabado naman ang karaniwang weekend sa mga bansa na nasa middle east tulad ng Qatar kung nasaan ako ngayon. Ibig sabihin ang mga gimik ng mga pinoy kadalasan ay Huwebes o Biyernes ng gabi dahil kinabukasan ay walang mga pasok sa trabaho.

Tulad na lang nun nakaraang biyernes na bigla na lang ako inaya ng mga kaibigan ko na sumama sa kanila. Kadalasan, ang kasiyahan ng mga tao dito ay mag-clubbing o mag-swimming sa beach. Meron din naman mga pinoy na ang gusto ay inuman lang sa loob ng flats nila. At yun nga ang ginawa naming nun nakaraang biyernes ng gabi.

Di ako dapat makakasama nun pero di kasi ako makatanggi sa mga bagong kaibigan. Mahirap na kasi masabihan na KJ o kill joy lalo na at nagsisimula pa lang kaming mga magkakakilala. Pag nagta-trabaho ka sa ibang bansa, maraming klase ng tao kang makakasalamuha pero hindi lahat dapat mo samahan. Sumama ako sa mga bagong kakilala kasi mukha naman sila maayos kasama at di mahirap
pakibagayan. Mga nakilala ko sila sa isang zumba class na pinupuntahan ko tuwing biyernes. Pagkatapos ng ilang zumba sessions, medyo feeling close na kami sa isa’t-isa. Pumayag ako na sumama sa kanila dahil mukha naman silang maayos kausap.

Ang pakikipag-inuman ko sa kanila ay di tulad ng mga nakikita ninyo kadalasan sa mga tambay sa pinas ha. Hehe. Malaki po ang pagkakaiba. Meron din mga kababayan dito na kung uminom ay parang mga nasa kalye lang ang pag-uugali. Yun tipong, iinom ng madami kahit di kaya tapos ang gagawin eh mag-iingay at suka dito-suka diyan ang gagawin. Kadiri po ‘no?


Yun naman ang iniiwasan ko. Para kasi sa akin ok lang ang uminom paminsan-minsan. Yun mag-unwind. Kalimutan sandali ang stress sa trabaho, mag-unwind at makipag-bonding. Pero lahat ng bagay nasa tamang lugar at oras dapat. Hindi pwedeng ugaliin at araw-arawin to the point na magiging bisyo na. Kaya nga ako, inom inom lang ‘pag may time…. Hindi poi nom-inom dahil may time. Iba po yun humahanap ka na lagi ng oras o dahilan para lang maka-inom. Lagi tandaaan: Anumang labis ay masama.

No comments:

Post a Comment