Balak naming na pumunta sa Radisson Blu, yun dating Ramada
Hotel, na nasa bandang pagitan ng D-Ring Road at Salwa dito sa Doha. Nauna ako
dumating at dahil gutom ako eh pinasya ko na kumain muna saglit ng burger at
fries sa DQ (Dairy Queen) na malapit lang sa hotel. Maya-maya pa at dumating na
ang mga kausap ko. Konti kumustahan at kwentuhan habang tinatapos ko ang
pagkain ko. Ng maubos ko na ang burger at fries, tumuloy na kami sa Orion Bar
na nasa 9th floor ng Radisson Blue. Excited kami pero napalitan yun
excitement ng bahagyang shock ng malamang di pwde makapasok yun kasamahan
naming babae dahil naka-ban daw siya dun sa club
sa di malamang dahilan.
Oh well, Eh ano pa ba ang gagawin naming kun di kami pwde
pumasok sa loob… di naman naming pwede iwanan mag-isa ang kasama naming. Dahil
ayaw naming masira ang gabi, naisipan na lang naming magkape.
Mabuti na lang at may malapit na starbucks na bukas pa kahit
halos hatinggabi na. Bihira kasi ang mga coffee shops o kainan na 24 hours ang
operation. Starbucks ang paboritong puntahan o hang-out place ng mga pinoy,
pati na mga dayuhan, na nagnanais lang na magpalipas ng oras habang
nakikipag-kwentuhan. Maganda ang interior, malinis ang lugar, malambot na mga
sofa, comfortable ang set-up… parang nasa bahay ka lang. Bakit nga naman di
mawiwili ang karamihan sa coffee shop na ito?
Maraming klaseng kape, hot o ice-blend, na mapapagpilian mo.
Bukod sa mga kape, nandiyan din ang mga nakakatakam na mga cakes o pastries. Ng
makuha naming ang order namin, umakyat kami sa second floor kasi tingin naming
mas maganda at mas konti ang tao sa itaas. Pero nagkamali kami kasi medyo
marami din pala kahit na pasado hating-gabi na. Pero ok lang naman. Pumuwesto
kaming apat na magkakasama sa isang sulok na malapit sa bintana para tanaw mo
ang view sa labas. Napakaraming bagay naming napagkuwentuhan, mula seryosong
usapan hanggang sa mga kabalbalan. Di naming namalayan na lumipas ang mga oras.
Mahigit tatlong oras kaming nag-uusap-usap ng mapatingin ako sa relo ko at
nakita na halos alas tres na ng umaga. At dahil may pasok pa sa trabaho ng alas
otso, tumigil na kami sa kuwentuhan at napagkasunduan na lang naming na
magkita-kita uli kahit isang beses sa isang buwan. Pero dapat daw eh mas maaga
na ang oras ng pagkikita para mas mahaba at mas maraming tawanan. Salamat sa
Starbucks, di nasayang ang gabi naming at napakasaya ng nagging bonding naming
magkakaibigan.

No comments:
Post a Comment