Sunday, May 31, 2015

RELAX RELAX DIN 'PAG MAY TIME

ang red wine na pinagsaluhan
 naming mga bagong makakaibigan.
Kung ang weekend sa Pinas ay Sabado at Linggo; Biyernes at Sabado naman ang karaniwang weekend sa mga bansa na nasa middle east tulad ng Qatar kung nasaan ako ngayon. Ibig sabihin ang mga gimik ng mga pinoy kadalasan ay Huwebes o Biyernes ng gabi dahil kinabukasan ay walang mga pasok sa trabaho.

Tulad na lang nun nakaraang biyernes na bigla na lang ako inaya ng mga kaibigan ko na sumama sa kanila. Kadalasan, ang kasiyahan ng mga tao dito ay mag-clubbing o mag-swimming sa beach. Meron din naman mga pinoy na ang gusto ay inuman lang sa loob ng flats nila. At yun nga ang ginawa naming nun nakaraang biyernes ng gabi.

Di ako dapat makakasama nun pero di kasi ako makatanggi sa mga bagong kaibigan. Mahirap na kasi masabihan na KJ o kill joy lalo na at nagsisimula pa lang kaming mga magkakakilala. Pag nagta-trabaho ka sa ibang bansa, maraming klase ng tao kang makakasalamuha pero hindi lahat dapat mo samahan. Sumama ako sa mga bagong kakilala kasi mukha naman sila maayos kasama at di mahirap

ANG IPHONE, ANG SAMSUNG, ANG LENOVO AT ANG PORMANG PINOY

Iphone 6s
Iphone? Samsung? Lenovo? HTC?

Ano ang brand at model ng cellphone mo? Ang Pilipinas ang tinaguriang text capital of the world dahil na rin sa bilang ng mga mahihilig magpadala ng SMS(Short Messaging Service) o tinatawag natin na 'text' sa simpleng lengwahe.