Sunday, June 21, 2015

PABORITONG TAMBAYAN: STARBUCKS!!!

Minsan, napagkasunduan naming magkakaibigan na gumimik at mag-bar. Nag-set kami ng araw ng linggo at magkikita bandang alas onse ng gabi. Tamang tama lang kasi ang oras na iyon para pumunta sa bar o club. Gusto lang naming magkakaibigan na magkumustahan, uminom ng konting alak at makinig ng acoustic.

Balak naming na pumunta sa Radisson Blu, yun dating Ramada Hotel, na nasa bandang pagitan ng D-Ring Road at Salwa dito sa Doha. Nauna ako dumating at dahil gutom ako eh pinasya ko na kumain muna saglit ng burger at fries sa DQ (Dairy Queen) na malapit lang sa hotel. Maya-maya pa at dumating na ang mga kausap ko. Konti kumustahan at kwentuhan habang tinatapos ko ang pagkain ko. Ng maubos ko na ang burger at fries, tumuloy na kami sa Orion Bar na nasa 9th floor ng Radisson Blue. Excited kami pero napalitan yun excitement ng bahagyang shock ng malamang di pwde makapasok yun kasamahan naming babae dahil naka-ban daw siya dun sa club

HELLO DAY-OFF!!!

DAY-OFF. Ito ang pinakahihintay kong araw bawat linggo. Hehe. Siguro naman di ako nag-iisa sa pagsasabing ito ang pinakamasayang araw sa bawat linggo ng mga manggagawang pinoy saan man sulok ng mundo.

Ewan ko lang sa inyo pero pag day-off ko karaniwan eh halos kalahating araw akong tulog. Pagkagising eh aasikasuhin ko naman ang paglalaba gamit ang washing machine. Manonood konti ng tv, magche-check ng facebook o email, magbabasa ng balita online, kung sisipagin pa ng husto eh maglilinis ng kuwarto at magpapalit ng mga pillow cases at bedsheet.

Kung magagawa ko ang karamihan sa mga nabanggit ko eh pakiramdam ko productive na ‘yun araw ko. Pero kompleto ko lang matatawag ang

Monday, June 1, 2015

SUMMER SA QATAR, TAG-ULAN SA ‘PINAS

ang tinatawag na sword arc na matatagpuan sa Doha
Ang init!!! Abril ng taon na ito nang magsimulang maramdaman ang tag-araw dito sa Doha. At habang papalapit ang Ramadan ay mas patindi ng patindi ang init ng panahon. Kung sa tingin ninyo mainit ang summer sa Pilipinas; Mas mainit dito sa gitnang silangan.


Hindi mo matatagalan ang paglalakad sa tanghali. Mabuti na lang at karamihan sa mga tao dito ay may mga sariling sasakyan at ang mga bahay at gusali ay normal na ang may sariling aircon. Subalit kung nagkataon na ang aircon ninyo ay sira habang panahon ng tag-init, matinding parusa ang mararanasan mo. Hindi ka makakatulog ng maayos dahil maski nasa loob ng bahay ay tagaktak ang pawis mo.