Balak naming na pumunta sa Radisson Blu, yun dating Ramada
Hotel, na nasa bandang pagitan ng D-Ring Road at Salwa dito sa Doha. Nauna ako
dumating at dahil gutom ako eh pinasya ko na kumain muna saglit ng burger at
fries sa DQ (Dairy Queen) na malapit lang sa hotel. Maya-maya pa at dumating na
ang mga kausap ko. Konti kumustahan at kwentuhan habang tinatapos ko ang
pagkain ko. Ng maubos ko na ang burger at fries, tumuloy na kami sa Orion Bar
na nasa 9th floor ng Radisson Blue. Excited kami pero napalitan yun
excitement ng bahagyang shock ng malamang di pwde makapasok yun kasamahan
naming babae dahil naka-ban daw siya dun sa club
Sunday, June 21, 2015
PABORITONG TAMBAYAN: STARBUCKS!!!
Minsan, napagkasunduan naming magkakaibigan na gumimik at
mag-bar. Nag-set kami ng araw ng linggo at magkikita bandang alas onse ng gabi.
Tamang tama lang kasi ang oras na iyon para pumunta sa bar o club. Gusto lang
naming magkakaibigan na magkumustahan, uminom ng konting alak at makinig ng acoustic.
HELLO DAY-OFF!!!
DAY-OFF. Ito ang pinakahihintay kong araw bawat
linggo. Hehe. Siguro naman di ako nag-iisa sa pagsasabing ito ang
pinakamasayang araw sa bawat linggo ng mga manggagawang pinoy saan man sulok ng
mundo.
Ewan ko lang sa inyo pero pag day-off ko karaniwan eh halos
kalahating araw akong tulog. Pagkagising eh aasikasuhin ko naman ang paglalaba
gamit ang washing machine. Manonood konti ng tv, magche-check ng facebook o
email, magbabasa ng balita online, kung sisipagin pa ng husto eh maglilinis ng
kuwarto at magpapalit ng mga pillow cases at bedsheet.
Kung magagawa ko ang karamihan sa mga nabanggit ko eh
pakiramdam ko productive na ‘yun araw ko. Pero kompleto ko lang matatawag ang
Monday, June 1, 2015
SUMMER SA QATAR, TAG-ULAN SA ‘PINAS
| ang tinatawag na sword arc na matatagpuan sa Doha |
Hindi mo matatagalan ang paglalakad sa tanghali. Mabuti na lang at karamihan sa mga tao dito ay may mga sariling sasakyan at ang mga bahay at gusali ay normal na ang may sariling aircon. Subalit kung nagkataon na ang aircon ninyo ay sira habang panahon ng tag-init, matinding parusa ang mararanasan mo. Hindi ka makakatulog ng maayos dahil maski nasa loob ng bahay ay tagaktak ang pawis mo.
Sunday, May 31, 2015
RELAX RELAX DIN 'PAG MAY TIME
![]() |
| ang red wine na pinagsaluhan naming mga bagong makakaibigan. |
Kung ang weekend sa Pinas ay Sabado at Linggo; Biyernes at
Sabado naman ang karaniwang weekend sa mga bansa na nasa middle east tulad ng
Qatar kung nasaan ako ngayon. Ibig sabihin ang mga gimik ng mga pinoy kadalasan
ay Huwebes o Biyernes ng gabi dahil kinabukasan ay walang mga pasok sa trabaho.
Tulad na lang nun nakaraang biyernes na bigla na lang ako
inaya ng mga kaibigan ko na sumama sa kanila. Kadalasan, ang kasiyahan ng mga
tao dito ay mag-clubbing o mag-swimming sa beach. Meron din naman mga pinoy na
ang gusto ay inuman lang sa loob ng flats nila. At yun nga ang ginawa naming
nun nakaraang biyernes ng gabi.
Di ako dapat makakasama nun pero di kasi ako makatanggi sa
mga bagong kaibigan. Mahirap na kasi masabihan na KJ o kill joy lalo na at
nagsisimula pa lang kaming mga magkakakilala. Pag nagta-trabaho ka sa ibang
bansa, maraming klase ng tao kang makakasalamuha pero hindi lahat dapat mo
samahan. Sumama ako sa mga bagong kakilala kasi mukha naman sila maayos kasama
at di mahirap
Labels:
buhay OFW,
OFW,
Pilipinas,
simpleng tao
Location:
Doha, Qatar
ANG IPHONE, ANG SAMSUNG, ANG LENOVO AT ANG PORMANG PINOY
Ano ang brand at model ng cellphone mo? Ang Pilipinas ang tinaguriang text capital of the world dahil na rin sa bilang ng mga mahihilig magpadala ng SMS(Short Messaging Service) o tinatawag natin na 'text' sa simpleng lengwahe.
Labels:
buhay OFW,
cellphone,
gadgets,
htc,
iphone,
lenovo,
mobile phone,
OFW,
pilipino,
pinoy,
porma,
samsung,
simpleng pinoy,
yabang
Location:
Doha, Qatar
Subscribe to:
Posts (Atom)



